
Kasabay ng paggunita ng ika-121 anibersaryo ng Bureau ng Internal Revenue (BIR), kinilala ni Commissioner Romeo Lumagui Jr., ang mga tauhan ng ahensya na nasa likod ng mataas na revenue collection.
Ani Lumagui, hindi lang ang mahabang taong paglilingkod ang ginugunita sa okasyon kundi maging ang mga taong nagpapatuloy sa pagharap sa hamon ng mga pagbabago sa pagkokolekta ng buwis.
Maging si Finance Secretary Ralph Recto, sa kanyang bahagi ay pinuri ang walang humpay na pagsisikap at kritikal na papel ng mga BIR personnel upang ang bansa ay patuloy na umusad.
Sa unang kalahati ng 2025, ang mga koleksyon sa buwis ay nagpatuloy na tumaas sa 14.11% o katumbas ng 1.55 trilyon mula Enero hanggang Hunyo.
Nasa 8.6 bilyon kada araw ang kinakailangang malikom upang masuportahan ang pang-araw-araw na pangangailangan sa gastusin ng pambansang pamahalaan.









