Mga tauhan ng BuCor, bawal manghingi ng pamasko sa PDLs

Naglabas ng direktiba si Director General Gregorio Catapang Jr., sa mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) na bawal manghingi ng regalo, pera man o bagay lalo na ngayong Pasko.

Ito ang naging direktiba ni Catapang bilang pag-iingat laban sa korupsyon kung saan ang lahat ng BuCor Commissioned at Non-Commissioned officers, employees, at personnel ay inaatasan na huwag mag-solicit ng regalo mula sa Persons Deprived of Liberty (PDLs).

Maging sa mga pamilya ng mga PDL, private enterprises at sa publiko ay bawal manghingi ng pamasko ang mga tauhan ng BuCor.


Ang naturang direktiba ay kasabay ng pagpapatupad ng cashless system sa New Bilibid Prison (NBP) na bahagi ng mga pagbabago sa piitan upang matigil na ang korapsyon at iligal na aktibidad sa NBP.

Sa ilalim ng cashless system, ang mga PDL ay bawal humawak ng pera kung saan bibigyan sila ng passbook upang makita ang bawat transaksyon at makikita sa passbook ang kanilang mga binili sa Inmate Post Exchange (IPX).

Facebook Comments