Mga tauhan ng Bureau of Immigration na may kinalaman sa paglabas ng bansa ni Alice Guo, binalaan ng DOJ

Nagbabala ang Department of Justice (DOJ) sa mga tauhan ng Bureau of Immigration na may kinalaman sa paglabas ng bansa ng sinibak na si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, binibigyan pa niya ng pagkakataon ang mga sangkot na indibidwal na lumutang at magpaliwanag.

Kung hindi aniya ay siya mismo ang personal na mag-iimbestiga rito na siguradong hindi magugustuhan ng marami.


Batay sa ulat, nakalabas ng bansa si Guo at nagtungong Malaysia noong nakaraang buwan bago magtungo ng Singapore.

Ito ay kahit na may ipinatutupad na Immigration Lookout Bulletin dahil sa kinasasangkutang kaso ng sinibak na alkalde.

Facebook Comments