Mga tauhan ng Bureau of Immigration na sangkot sa pamemeke ng data, sinibak na sa pwesto

Mahaharap sa kaso ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na sangkot sa umano’y pamemeke ng mga data.

Ito ay kaugnay sa paglabas ng ulat na dumating sa bansa ang dating Wirecard AG Chief Operating Officer (COO) na si Jan Marsalek noong Hunyo 23, 2020 sa Mactan-Cebu International Airport at umalis din kinabukasan patungo naman ng China.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, hindi totoong dumating sa bansa si Marsalek noong nakaraang buwan base na rin sa CCTV footages, airline manifests, at iba pang  records.


Nabatid na ang German fintech firm na Wirecard ay sangkot sa isang anumalya matapos madiskubre na mayroong nawawalang $2.1 billion ang kumpanya.

Una nang inatasan ng kalihim ang immigration na alamin kung dumating nga sa bansa si Marsalek kasunod ng mga balitang mayroon umano itong asawang Pilipina.

Facebook Comments