Bawal munang mag-leave sa trabaho hanggang sa katapusan ng Enero ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI).
Sa harap ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan marami ring mga empleyado ng BI ang tinamaan ng virus.
Layon din nito na maiwasang magkaroon ng kakapusan sa immigration personnel na nakatalaga sa mga port.
Sa ngayon, 138 na BI-Port Operations Division personnel na ang nagpositibo sa COVID-19 habang 129 ang nananatiling naka-quarantine.
Ilan ding tauhan ng BI ang naghihintay pa ng resulta ng kanilang swab test.
Magugunitang noong Christmas season ay pinagbawalan din ang mga tauhan ng BI na mag-leave sa trabaho hanggang January 15,2022 subalit pinalawig ito hanggang January 31.
Facebook Comments