Manila, Philippines – Nagsagawa ng reshuffling ang Bureau of Immigration sa higit 500 nilang tauhan na nakatalaga sa 3 terminal sa Ninoy Aquino International Airport.
Ito, ayon kay BI Commissioner Jaime Morente ay upang maiwasan ang korupsyon sa kanilang hanay, at upang mapabuti na rin ang kanilang serbisyo.
Sa ganitong paraan, ayon kay Morente, maiiwasan rin ang pamilyarisasyon ng kanilang mga tauhan sa iba pang NAIA personnel na karaniwan aniyang pinaguugatan ng korupsyon.
Dagdag pa ni Morente, magsasagawa ulit ng reshuffling ang BI kada 4 na buwan kung saan walang magiging exempted.
Samantala, nagpaalala ang Bureau of Immigration na sarado bukas (May 16) ang kanilang tanggapan sa Iligan bilang pakikiisa sa selebrasyon ng ‘Araw ng Iligan’.
Facebook Comments