Nag-inspeksyon kaninang umaga ang mga tauhan ng City Veterinary Office sa Marikina Public Market upang masiguro na ligtas sa sakit ang mga baboy na ibinebenta sa palengke.
Ayon kay Marikina City Veterinary Office Chief Dr. Manuel Carlos, tiningnan ng mga tauhan ng City Veterinary Office kung saan galing ang mga baboy na ibinebenta at kung may tatak ba ang mga ito mula sa National Meat and Inspection Service.
Nag-inspeksyon din sila malaban sa mga baboy sa mga tindahan ng mga manok kung saan ay wala namang nasita at nakita ang mga stall na naispeksyon ng Compliance Certificate.
Paliwanag ni Dr. Manuel Carlos, dahil sa isyu ng African Swine Fever, mas naghigpit sila ngayon sa mga produktong karne ng baboy at mga baboy na ibinabagsak sa palengke lalo pa’t karamihan sa mga nagtitinda ng baboy sa Marikina ay nag-aangkat sa Lalawigan ng Rizal.
Bumaba sa 300 mula sa dating 400 mga baboy na dinadala sa Marikina Public Market para ibenta sa isang araw sa palengke.