Mga tauhan ng coast guard, hindi na dapat i-deploy sa mga transport terminal ngayong holiday season – senador

Sinita ng mga senador ang anunsyo ng Philippine Coast Guard (PCG) na magde-deploy ito ng 25,000 mga tauhan sa airport, pantalan, tren at mga lansangan para tumulong sa mga biyahero ngayong holiday season.

Nag-ugat ito ng mapuna ng mga senador ang mga problemang kinakaharap ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals sa gitna na rin ng kumpirmasyon ng kalihim ng Department of Transportation (DOTr).

Ayon kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa, mas dapat na pagbantayin sa West Philippine Sea ang mga tauhan ng Coast Guard upang mabawasan ang pambu-bully ng mga Chinese sa teritoryo.


Maging ang mga Coast Guard na naka-deploy ngayon sa NAIA at iba pang paliparan para sa COVID-19 health protocols ay dapat aniyang i-pull-out na dahil nasa normal naman na ang sitwasyon.
Sinabi pa ng mambabatas na sapat na rin ang bilang ng mga aviation security group at airport para matiyak na nakasusunod sa health protocols ang mga pasahero.

Suportado rin nina Senate Majority Leader Joel Villanueva at Senator JV Ejercito ang suhestyon ni Dela Rosa at anila, hindi welcoming sa mga banyaga at sa iba pang turista kung ang sasalubong sa kanila sa airport ay mga naka-camouflage o naka-fatigue na hindi naman alam ng mga tao na sila ay Coast Guard pala.

Facebook Comments