Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na umabot na sa 40 tauhan ng Department of Justice (DOJ) ang nagpositibo sa rapid test.
Tumanggi naman si Guevarra na kumpirmahin na kabilang ang isang Undersecretary ng DOJ at driver nito sa mga nagpositibo sa rapid test.
Ito ay alinsunod na rin sa Data Privacy Law.
Kinumpirma rin ni Guevarra na tatlong beses siyang sumalang sa rapid test at pawang negatibo ang resulta.
Bunga nito, pinag-aaralan ng DOJ na suspendihin muna ang pasok sa tanggapan.
Agad namang isinailalim sa disinfection ang buong compound nitong nakalipas na weekend.
Sinasabing kabilang sa mga nagpositibo sa rapid test ang apat na organic security guard, dalawang blue guard ng vigilante at isang maintenance personnel.
Nilinaw naman ni kalihim na ang mga nagpositibo sa rapid test ay isasailalim pa sa confirmatory test o swab test.