Mga tauhan ng EPD bibisita at mamahagi ng Relief Goods sa mga biktima ng Taal Volcano Eruption

Magsasagawa ng relief operation ang mga tauhan ng Eastern Police District sa pangunguna ni EPD District Director at mamahagi ng mga relief goods sa mga biktima ng pag-putok ng Bulkang Taal.

Ayon kay General Almazan mga relief goods na mayroong 30 boxes ng tubig at 1 toneladang mga gulay ang idedelivered sa bahagi ng Sto. Tomas Parish Church, Sto. Tomas, Batangas na pakikinabangan ng mga evacuees mula sa Talisay, Batangas.

Paliwanag ni Almazan, tuloy-tuloy ang ginagawang pag-suporta ng mga tauhan ng EPD sa mga evacuees sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kinakailangang supplies ayon narin sa kanilang pangangailangan.


Giit ng Heneral nais nilang ipakita at patunayan ang pagkakaroon ng pagkakaisa ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa pamamagitan ng Intergroup relief operations na may Temang: “Together We Can, Together We Rise”.

Facebook Comments