Mga tauhan ng EPD, nagpakalat ng libreng sakay para sa mga namamalengke

Nagpa-deploy na ang mga tauhan ni EPD Director Police Brigadier General Johnson Almazan ng mga trak para sa Oplan “Libreng Sakay” upang mabigyan ang mga taong mamalengke sa kanilang area of responsibility.

Ayon kay Brigadier General Almazan, ang naturang inisyatibo na mabigyan ng transportation assistance ang mga apektado ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) upang hindi na mahihirapan ang mga mamamayan na maglakad para lamang mamalengke sa kanilang lugar.

Paliwanag ng heneral ang EPD ay nagpadala ng 16-seater truck upang pagsilbihan ang tinatayang 1500 pumupunta sa palengke, kung saan 19 na araw na nilang ginagawa hanggang matanggal ang ECQ.


Dagdag pa ni Almazan na ang ruta ng trak ay mula Pasig Mega Market papuntang Pasig Rotonda, Brgy. Bagong Ilog, Brgy. Pineda, Brgy. Oranbo and Kapitolyo at vice versa; at sa loob ng trak mahigpit nilang ipinatutupad ang social distancing at pagsusuot ng face masks.

Facebook Comments