Nakibahagi ang buong pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa ikinasang 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill.
Lahat ng personnel ay isinagawa ang duck, cover at hold kung saan naglabasan sila patungo sa quadrangle ng headquarters ng MPD.
Ayon kay Police Col. Julius Caesar Domingo ang Head ng District Community Affairs and Development Division ng MPD, dapat ugaliin ng kanilang mga tauhan ang mga hakbang sakaling magkaroon ng lindol sa mga darating na panahon.
Aniya, nararapat na maging ligtas ang bawat isa upang magkaroon ng pagkakataon na makatulong sa iba.
Sinabi pa ni Domingo na ngayon pa lamang ay abisuhan na rin ng bawat tauhan ng MPD ang kanilang pamilya kung saan sila maaaring makontak o puntahan sakaling tumama ang lindol sa bansa.
Muling iginiit ng pamunuan ng MPD na dapat maging handa ang kanilang mga tauhan hindi lamang sa pagbabantay sa seguridad maging sa pagdating ng sakuna at kalamidad sa mga hindi inaasang oras o araw.