Babalasahin ang mga tauhan ng Office for Transportation Security (OTS) sa NAIA
Sinabi ni OTS Administrator Usec. Ma. O Aplasca na epektibo sa Lunes ang balasahan sa airport security screening checkpoint.
Kasunod na rin ito ng kontrobersiyang kinasangkutan ng ilang OTS security screening officers sa NAIA matapos ireklamo ng mga dayuhang pasahero na sinasabing kinunan nila ng ilang kagamitan at pera.
Una nang nag-inspeksyon si Aplasca sa NAIA Terminal 2 partikular sa pinangyarihan ng pagnanakaw sa isang Thai national.
Facebook Comments