Friday, January 16, 2026

Mga tauhan ng PAF na nasawi sa Agusan Del Norte, inaasahan maiuuwi na sa kanilang mga probinsya

Naiuwi na kaninang umaga ang labi ni Sergeant Yves B. Sijub kung saan binigyan sya ng pagpupugay ng Tactical Operations Wing Eastern Mindanao sa Davao City.

Inaasahan naman na iuuwi ang apat na labi ng mga Philippine Air Force (PAF) Personnel na sina Captain Paulie B. Dumagan ,Second Lieutenant Royce Louis G. Camigla ang mga piloto ng nasabing helicopter at ang mga aircrew na sina Sergeant John Christopher C. Golfo, Airman First Class Ericson R. Merico, mula sa Davao City patungong Colonel Jesus Villamor Air Base sa Pasay City ngayong araw para gawaran ng military honors.

Habang ang labi naman ni Airman Ameer Khaidar T. Apion ay inihahanda na rin papuntang Edwin Andrews Airbase sa Zamboanga.

Nagdadalamhati ang Philippine Air Force sa pagkasawi ng anim na mga tauhan nito matapos ang trahedyang nangyari sa Agusan del Sur habang nagsasagawa ng Humanitarian Assistance and Disaster Response Operations para sa mga nasalanta ng Bagyong Tino.

Nagpaabot din ng pakikiramay ang PAF sa mga pamilya, kaibigan, at mga naiwan ng mga nasabing nasawi.

Facebook Comments