MGA TAUHAN NG PANGASINAN POLICE PROVINCIAL OFFICE, ISINAILALIM SA DRUG TESTING

Sumailalim sa drug testing ang mga kawani ng Pangasinan Police Provincial Office sa Camp Gov. Antonio U. Sison sa Lingayen.

Layunin ng aktibidad na matiyak na nananatiling malinis sa ilegal na droga ang mga pulis at patuloy na nagiging huwaran ng disiplina, integridad, at pananagutan sa publiko.

Isinagawa ang drug testing sa ilalim ng mahigpit na health at safety protocols, katuwang ang mga awtorisadong medical at laboratory personnel.

Ayon sa PPO, bahagi ito ng internal cleansing program upang mapanatili ang isang kredible, propesyonal, at serbisyong nakatuon sa mamamayan na kapulisan.

Muli namang iginiit ng Pangasinan Police Provincial Office ang kanilang paninindigan na ipagtanggol ang mamamayan at ipatupad ang batas nang may katapatan at dedikasyon.

Facebook Comments