Isinailalim ng Pasay City Health Office sa swab test ang mga tauhan ng Pasay City Jail.
Ayon kay Pasay City Health Office Dezzy Jane Alvarado, bukod sa 25 jailguards, isinailalim din sa swab test ang apat na inmates.
Isinagawa ang swab testing sa harapan ng Pasay Police Station kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang paglapit ng health workers sa area kung saan isinagawa ang swab test sa mga jailgurad na nakakaranas ng sintomas ng COVID-19.
Ayon kay Alvarado, dadalhin nila ang sample ng swab test sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) kung saan inaasahang lalabas ang resulta nito sa loob ng pito hanggang sampung araw.
Facebook Comments