Mga tauhan ng PCG na gumaling sa COVID-19, mahigit 700 na

Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga frontliners ng Philippine Coast Guard (PCG) na unang tinamaan ng COVID-19.

Sa pinakahuling monitoring ng PCG, mula sa 859 na recoveries, umabot na ngayon sa 708 ang mga tauhan nilang gumaling na sa sakit.

131 ang bagong recoveries kaya mayroon nalang 151 active COVID-19 cases.


Ayon sa Coast Guard, lahat ng mga tauhan nito na nagpopositibo sa COVID ay agad na pinu-pullout sa kanilang deployment para mabigyan ng medical assistance.

Tiniyak din ng PCG na regular ang kanilang monitoring sa mga frontliners at ang pagbibigay ng supply ng vitamins, Personal Protective Equipment (PPE) at pagsasalang sa swab testing. Gumagamit na rin sila ng UV lights bilang tulong sa kanilang manual disinfestion sa kanilang work stations.

Sa susunod na buwan, bubuksan na ng PCG ang kanilang sariling quarantine facility na kayang tumanggap ng 224 frontline personnel.

Facebook Comments