Inihayag ng pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagsimula nang mag-report sa Bureau of Customs (BOC) ang may 80 operatiba ng Philippine Coast Guard (PCG) sa BOC , bilang pagtalima sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte upang malabanan ang smuggling sa bansa.
Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo, kabilang sa mga itinalaga sa BOC, ay kanilang mga opisyal at mga operatiba na may kaalaman sa management, customs administration at may kaalaman sa operasyon laban sa smuggling.
Paliwanag ni Balilo, na ilang mga bagong barko ng PCG ang gagamitin sa kampanya laban sa rice smuggling lalo na at inaasahan ang pagpasok ng mga smuggled rice upang samantalahin ang Rice Tariffication Act.
Gagamitin din ang ilang mga bagong barko ng PCG, sa paghabol ng mga sindikato ng smuggling ng langis.