Mga tauhan ng PCG, pinadidistansya sa partisan political activities

Pinaalalahanan ni Philippine Coast Guard (PCG) Officer-in-Charge, CG Vice Admiral Eduardo Fabricante ang lahat ng PCG personnel na iwasan ang lumahok sa partisan political activities.

Ayon kay Vice Admiral Fabricante, PCG, dapat panatilihin ng mga tauhan ng Coast Guard ang neutrality at sumunod sa panuntunan ng Commission on Elections (COMELEC) para sa government employees at uniformed service personnel.

Partikular dito ang pagbabawal na gamitin ang PCG personnel, mga pasilidad, mga sasakyan at equipment sa pangangampanya ng mga kandidato.


Nagbabala ang pamunuan ng PCG na agad nilang iimbestigahan ang sinumang tauhan nila na mahuhuling nagpapagamit sa sino mang kandidato.

Facebook Comments