Mga tauhan ng PCG, tutulong na rin sa pagpapatupad ng batas-trapiko

Photo Courtesy: Philippine Coast Guard

Mas palalawakin pa ng Philippine Coast Guard (PCG) ang presensya nito sa mga kalsada sa Metro Manila.

Ayon sa PCG, pormal nang itinurn-over ang 39 na mga bagong recruit nito para makatulong ng Inter-Agency Council for Traffic.

Ang karagdagang 39 na coast guard personnel ay kabilang sa 463 na nakatapos na ng Basic Coast Guardsman Training course ng PCG.


Sa ngayon, inihahanda na ang mga bagong miyembro ng coast guard para sa kanilang deployment sa pagpapatupad ng batas trapiko sa Metro Manila.

Nilinaw naman ng PCG na isasailalim pa rin sa seminar sa traffic enforcement at road regulations and policies ang mga bagong recruit bago sila isabak sa kalye para makatuwang ng iba pang ahensya ng gobyerno.

Facebook Comments