Mga tauhan ng PCOO, hindi dapat maging arogante – Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga tauhan ng Presidential Communications Office na manatiling committed sa pagtataguyod ng katotohanan sa kanilang mga inilalabas na impormasyon.
Ito ay bahagi ng naging talumpati ni Pangulong Duteret sa pagpapasinaya nito ng bagong gawang Press Briefing Room sa New Executive Building sa Malacañang.
Ayon sa Pangulo, hindi dapat mag exaggerate, mag misinterpret at mangurot sa tuwing ipinaaabot sa taumbayan ang plataporma ng administrasyon.
Binigyang diin ng Pangulo na hindi dapat maging arogante ang mga nasa PCOO.
Nanawagan din naman ang Pangulo sa Media na manatiling committed sa katotohanan sa lahat ng pagkakataon at hindi dapat mag sensationalize ng mga balita at palakihin ang mga political propaganda.
Sinabi pa ng pangulo na pumapasok na tayo sa bahagi ng kasaysayan ng bansa na kailangang maging maganda ang relasyon ng media at ng gobyerno.

Facebook Comments