Mga tauhan ng PDEA na responsable sa pagpatay sa mga sangkot sa illegal drugs, walang makukuhang rewards

Hindi bibigyan ng pabuya ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) ang kanilang mga tauhan na pumapatay ng mga nasasangkot sa bawal na droga.

Ito ang naging paglilinaw ni PDEA PIO Chief Dir. Laurefel Gabales hinggil sa isyu ng usapin ng pagkakaloob ng rewards sa mga nakapatay sa mga suspek o mga sangkot sa bentahan ng ilegal na droga.

Sa Kapihan sa Manila Hotel, pinaliwanag ni Gabales na may Operation Private Eye at Operation Lawmen ang PDEA na nagsasagawa ng lehitimong operasyon kontra droga.


Aniya, may polisiya ang ahensiya patungkol sa mga miyembro ng PDEA na nakakapatay sa panahon ng operasyon at ang pagbibigay ng rewards ay alinsunod sa batas at polisiyang binalangkas ng Dangerous Drugs Board (DDB).

Dagdag pa ni Gabales, kanilang sinusunod ang polisiya ng pamahalaan na pairalin ang karapatan ng sinumang mahuhuli na may kinalaman sa bentahan at pagpapakalat ng droga sa bansa.

Bukod dito, nagdagdag sila ng mga programa para mapabago ag takbo ng buhay ng mga gumagamit ng droga kasabay ng pagdaragdag ng mga rehabilitation center sa buong bansa.

Facebook Comments