Sumailalim sa mandatory drug testing ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1 nitong Enero 12, 2026, bilang bahagi ng pagpapatupad ng disiplina at pagsunod sa pamantayan ng ahensya.
Pinangunahan ng Regional Office ang aktibidad na nilahukan ng lahat ng personnel, kabilang ang mga mula sa provincial offices ng rehiyon.
Isinagawa ang drug testing sa sistematikong paraan, na may mahigpit na pagsunod sa tamang proseso upang matiyak ang pagiging patas, tumpak, at kumpidensyal ng mga resulta.
Ayon sa PDEA Region 1, layon ng aktibidad na mapanatili ang integridad at propesyonalismo ng mga tauhan, gayundin ang pagtitiyak na nananatiling drug-free ang hanay ng ahensya sa pagtupad ng kanilang mandato.
Facebook Comments







