Nagdulot ng pagbaha ang pananalasa ng Bagyong Rolly sa Tierra Verde Subdivision, Pallocan West, Batangas City kung saan na-stranded ang mga residente sa kani-kanilang mga tahanan.
Agad namang nagsagawa ng rescue operations sa lugar ang mga tauhan ng Coast Guard District Southern Tagalog at Coast Guard Station Batangas.
Ayon kay PCG Spokesman Commodore Armand Balilo, ang mga nasagip na residente sa Batangas City ay nasa mabuti ng kalagayan at agad dinala sa mga itinalagang evacuation center kung saan binigyan sila ng karampatang medical attention.
Base naman sa impormasyon mula sa Batangas Public Information Office, kinakalinga na ng Batangas Provincial Social Welfare Office ang mga inilikas na pamilya dahil baha.
Binigyan sila ng mga relief goods, sleeping at hygiene kits habang nasa ibat ibat evacuation centers sa lalawigan.