Mga tauhan ng Philippine Navy na lumahok sa 31st Southeast Asian Games, binigyang pagkilala

Photo Courtesy: Philippine Navy

Binigyan ng pagkilala ng Philippine Navy ang mga tauhan nilang lumahok sa 31st Southeast Asian (SEA) Games sa Hanoi, Vietnam.

Nanguna si Philippine Navy flag officer-in-command Vice Admiral Adeluis Bordado sa pagbibigay ng plaques of recognition sa 19 na sailor athletes sa Philippine Navy Headquarters sa Naval Station Jose Andrada sa Maynila.

Kabilang dito sina Seaman Second Class (SN2) Ian Clark Bautista sa boxing, Apprentice Seaman (ASN) Afril Bernardino at ASN Marizze Andrea Tongco sa basketball, Seaman Second Class (SN2) Philip Delarmino sa Muay Thai at Apprentice Seaman (ASN) Clinton Kingsley Bautista sa athletics na nakasungkit ng gold medals.


Habang ilan pang sailor athletes ang nag-uwi ng silver medals at bronze medals.

Sinabi ni Vice Admiral Bordado itutuloy ng Philippine Navy ang kanilang suporta sa kanilang sports program na nagsisilbing training ground na bubuo sa mga atleta na kayang lumaban sa ibang bansa.

Hinimok din niya ang mga ito na ipagpatuloy ang kahusayan bilang bahagi ng mga world-class na atleta ng bansa.

Facebook Comments