Abala ang mga tauhan ng PNP Anti-Kidnapping Group sa repacking ng mga relief supplies na kanilang ipamimigay sa kanilang mga target beneficiary sa Brgy. Cabuco, Trece Martires City, Cavite.
Ayon kay PNP-AKG Spokesperson Police Major Ronaldo Lumactod Jr., nagsimula ang inisyatibo nilang gawin dahil sa pangunguna ng kanilang Director na si Police Brigadier General Jonnel Estomo na isang Cavitenyo.
Makikinabang dito ang 500 pamilya na residente ng Brgy. Cabuco na matinding naapektuhan ng epekto ng lockdown sa Luzon.
Sinabi ni Lumactod na naipon ang pondo mula sa kontribusyon ng lahat ng mga tauhan ng PNP AKG.
Bukas ng umaga ay dadalhin ito sa Cavite para maipamahagi.
Ang lalawigan ng Cavite ay kasama sa Extended ECQ hanggang May 15 dahil sa mataas din na kaso ng COVID-19.
Lalo na sa mga Lungsod ng Bacoor, Dasmariñas at Imus.