Mga tauhan ng PNP na nabakunahan na, umabot sa mahigit 400

Tuloy-tuloy pa rin ang pagbabakuna sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support to COVID-19 Operations Chief Lt. Gen Guillermo Eleazar, ngayong araw ay nadagdagan ng 118 na mga pulis ang nagpabakuna ng Corona Vaccine ng Sinovac.

Sa kabuuan, umabot na sa 423 na PNP personnel ang mga nabakunahan na.


125 dito naturukan noong Lunes at 180 kahapon at ngayong araw 118 na.

Iniulat naman ni Eleazar, na tatlo na sa mga tauhan nila na naturukan ang nakaranas ng mild side effects ng bakuna.

Pinakahuli rito ang kaso ng skin rashes na naranasan ng isa sa mga naturukan kahapon.

Una nang sinabi ng PNP na bago matapos ang linggong ito ay matatapos na maibakuna sa mga medical frontliner ng PNP ang 800 doses ng Corona Vaccine ng Sinovac na alokasyon sa PNP General Hospital ng gobyerno.

Facebook Comments