Patuloy ang ginagawang pagbabantay ng Philippine National Police (PNP) sa palibot ng Bulkang Kanlaon.
Ito’y upang matiyak na hindi makababalik ang mga residenteng inilikas sa 6-kilometer radius extended danger zone.
Ayon sa PNP, sa kabuuan ay halos 400 na mga pulis ang naka-deploy sa 6-kilometer danger zone para ipagbawal ang human activities sa palibot ng bulkan.
Mula nang magsagawa ng paglilikas dahil sa pag-aalburuto ng bulkan ay wala namang naitalang untoward incident ang Pambansang Pulisya.
Nagpakita ng kooperasyon ang mga bakwit sa mass evacuation at maayos din ang ipinatupad nilang pass control operations.
Facebook Comments