Nag-deploy ang Philippine National Police (PNP) ng 85 personnel mula sa Reactionary Standby Support Force galing sa National Headquarters bilang augmentation force sa pagpapatupad ng seguridad sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brigadier General Roderick Augustus Alba, ang karagdagang pwersa ang siyang tutulong sa pagpapaigting ng police visibility lalo na sa mga pampubliko o matataong lugar.
Sinabi pa ni Alba na paghahanda ito ng pambansang pulisya sa nalalapit na paggunita ng All Saint’s at All Soul’s Day sa Nobyembre.
Aniya, tulong-tulong ang mga kawani ng PNP sa pagbabantay sa seguridad lalo na sa mga matataong lugar at makaaasa ani Alba ang publiko na magpapatuloy ito hanggang sa holiday season.
Paliwanag pa nito, dahil nagluwag na ng COVID-19 protocols kumpara noong nakalipas na 2 taon, mas mahigpit na security protocol ang ipatutupad ng PNP upang matiyak ang kapayapaan at seguridad ng publiko.