Mga tauhan ng QCPD at PNP-HPG, nakaalerto sa isasagawang protesta ng grupong ACTOO

Kinumpirma ng pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD), Valenzuela City Police at Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) maging ang mga tauhan ng North Luzon Expressway o NLEX.

Ito ay dahil sa impormasyon na magpoprotesta ang grupo ng Alliance of Concerned Truck Owner and Organizations o ACTOO.

Ipinoprotesta kasi ng grupo ang ₱7.00 dagdag-singil sa toll sa NLEX para sa open system at ₱0.36 kada kilometrong dagdag sa closed system.


Sa bukana pa lang ng NLEX galing EDSA, nakaabang din ang mga tauhan ng PNP-HPG at QCPD.

Sa Mindanao Avenue entry ng NLEX, nakaabang din ang mga tauhan ng tollway maging ang tauhan ng Valenzuela City Police kung saan mayroon ding nakaabang na tow truck ng Valenzuela City.

Nakahanda lang umano sila sakali na matuloy ang protesta at maisaayos nila ang daloy ng trapiko papasok at palabas ng NLEX.

Gayunman, hanggang sa mga oras na ito ay nag-aabang pa rin ang mga awtoridad sa sinasabing protesta ng mga trucker.

Facebook Comments