MGA TAUHAN NG SAN FABIAN PNP,SUMAILALIM SA MANDATORY DRUG TESTING

Sumailalim sa mandatory drug testing ang mga tauhan ng San Fabian Municipal Police Station bilang bahagi ng patuloy na hakbang upang matiyak ang integridad at disiplina sa hanay ng kapulisan, kabilang na ang mga Non-Uniformed Personnel (NUP).

Ang aktibidad ay pinangunahan ni PLTCOL Danilo M. Perez, Chief of Police ng PNP-San Fabian, katuwang ang PNP Crime Laboratory – Satellite Forensic Office sa Urdaneta City.

Batay sa resulta ng isinagawang pagsusuri, negatibo sa ilegal na droga ang lahat ng personnel na sumailalim sa drug testing.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng mga preventive at corrective measures ng Philippine National Police upang mapanatili ang integridad, disiplina, at propesyonalismo sa loob ng organisasyon.

Layunin din nito na matiyak na ang mga tagapagpatupad ng batas ay nagsisilbing huwaran ng pananagutan at mabuting asal, lalo na sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Binigyang-diin ng pamunuan na ang hindi inaasahang drug testing ay mahalagang hakbang upang maiwasan ang posibleng paggamit ng ilegal na droga ng mga kawani, na maaaring makaapekto sa kanilang paghatol, pagganap sa tungkulin, at kredibilidad bilang tagapagpatupad ng batas.

Facebook Comments