Mga tauhan ng Senate Sergeant of Arm, naka-deploy na para magsilbi ng arrest order sa magkapatid na Mohit at Twinkle Dargani

Naka-deploy na ang mga tauhan ng Senate Sergeant of Arms para isilbi ang arrest order ng Senado laban sa magkapatid na sina Mohit at Twinkle Dargani ng Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Si Twinkle ang Presidente ng Pharmally habang corporate secretary nito si Mohit.

Ayon kay Senate Sergeant of Arms Retired General Rene Samonte, kahapon niya natanggap ang arrest order ng Senado kaya agad siyang bumuo ng team para rito.


Sa ngayon, wala namang komunikasyon sa mga Dargani kung kusa silang tutungo sa Senado para magpakulong.

Ang pag-contempt at pagpapa-aresto sa magkapatid na Dargani ay isinulong ni Senate Minority Leader Franklin Drilon dahil sa patuloy nilang pagtanggi na isumite ang mga hinihinging dokumento ng komite.

Facebook Comments