Mga tauhan ng Southern Police District, sumalang sa surprise drug test

35

Manila, Philippines – Sumalang sa surprise drug testing ang mga miyembro ng Southern Police District (SPD).

Nasa 276 na mga tauhan ng SPD ang naisalang sa drug test kanina.

Ito ay bilang bahagi pa rin ng ginagawang paglilinis sa hanay ng Pambansang Pulisya.

Matatandaang ilang pulis ang sangkot sa paggamit at bentahan ng iligal na droga kung kaya’t nais ng SPD na maging kaisa sila sa pagbabagong ikinakasa ng Duterte administration.

Ang magpopositibo sa drug testing ay ipaghaharap ng kaso at posibleng masibak ng tuluyan sa serbisyo.

Facebook Comments