Mga tauhan sa disaster response, pinabibigyan ng hazard pay

Pinabibigyan ng hazard pay ang mga tauhan ng disaster response tuwing panahon o may deklarasyon ng ‘state of calamity’.

Inihain ni Senator Christopher “Bong” Go ang Senate Bill no. 1709 na layong amyendahan ang Republic Act 10121 o Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010.

Idadagdag sa batas ang pagbibigay ng P3,000 hazard pay kada buwan sa lahat ng tauhan ng local disaster risk reduction and management office, anuman ang estado ng kanilang employment.


Maging ang mga volunteers na accredited sa community disaster na kasama sa pagresponde pagkakalooban din ng hazard pay.

Ililibre din sa anumang buwis ang naturang insentibo para sa mga disaster relief workers.

Facebook Comments