Mga tawag na natatanggap ng One Hospital Command Centre, patuloy sa pagbaba

Bahagyang bumaba ang mga tawag na natatanggap ng One Hospital Command Center ngayong linggo kumpara noong nakaraang linggo.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni OHCC Medical Officer Dr. Marylane Padlan na naglalaro na lamang sa 150 hanggang 300 na tawag ang kanilang natanggap, mula sa 200 – 300 na tawag noong nakaraang linggo.

Mas marami pa rin aniya sa mga tawag na kanilang natatanggap ay nangangailangan magpa-ospital, kumpara sa mga isolation facilities.


Ayon kay Dr. Padlan, nananatili na sa Metro Manila nagmumula ang pinakamaraming request at sinundan ng Region IV – A at Region III.

Samantala, hindi pa rin aniyang matukoy sa kasalukuyan kung mayroon nang epekto sa kanilang operasyon ang pagbaba sa Alert Level 3 ng Metro Manila, lalo’t isang linggo pa lamang aniya ang nakakalipas.

Facebook Comments