Mga taxi driver na nangongontrata, hinuli

Manila, Philippines – Muling nanghuli ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng mga taxi driver na nangongontrata ng pasahero.

Sa Quezon City, isang taxi ang hinuli matapos tumanggi sa pasahero.

Nagawa rin nitong tangkaing sagasaan si LTFRB Board Member at Spokesperson Atty. Aileen Lizada.


Isang AUV naman ang pinara na bumabiyahe mula Quezon City pa-Ortigas at naniningil ng P50 kada tao.

Nakilala ang driver ng AUV na si Efipanio Perol Jr., MMDA Traffic Aid 1.

Ayon kay Lizada, paiigtingin pa nila ang operasyon habang papalapit ang kapaskuhan.

Sa kabuuan, nasa apat na taxi, dalawang passenger van, isang private vehicle at isang angkas ang nahuli ng LTFRB.

Facebook Comments