Mga taxpayers na nagkukumahog para sa April 17 deadline, dapat tulungan ng BIR

Manila, Philippines – Pinakikilos ni Committee on Ways and Means Chairman Senator Sonny Angara ang Bureau of Internal Revenue o BIR na tulungan sa halip na pahirapan ang publiko na nagkukumahog para sa April 17 deadline ng income tax filing.

Kapag hindi umabot sa Abril 17 deadline ng pagbabayad ng buwis ay tiyak na tataas sa 20 percent interest per annum ang buwis ng isang tax payer at may patong pa na 25 porsyento sa babayaran nitong buwis.

Ginawa ni Angara ang panawagan kasunod ng report ng World Bank at ng PWC na nagsabiing ang Pilipinas ang ika-115 sa kabuuang 180 mga bansa sa buong mundo sa “ease of tax compliance.”


Sa naturang pag-aaral, lumalabas na 186 oras o halos walong (8) araw ang ginugugol ng ilang di kalakihang kumpanya sa bansa bago makapagbayad ng kinakailangang buwis sa tamang oras.

Kaya naman giit ni Angara, dapat gawing simple ang porma at proseso ng pagbabayad ng buwis.

Ayon kay Angara, dapat laging handa ang BIR na umagapay sa publiko lalo na sa maliliit na taxpayers.

Ipinunto ng senador na kung nakikita ng taxpayers na suportado sila ng BIR, ay posibleng mas maging responsible sila sa pagbabayad ng buwis.
Nation”, Grace Mariano

Facebook Comments