MANILA – Tuloy ang pagpapatawag ng Senate Committee On Public Services ng imbestigasyon hinggil sa mga Telecom Firm o TELCO na hindi nagpadala ng disaster alert sa text message noong dumaan ang bagyong Karen at Lawin.Ayon kay Committee Chairman Sen. Grace Poe, hindi sapat ang pagpapaliwanag ngayon ng mga TELCO na idinadaan sa mga media statement o media releases.Giit ni Poe, walang dahilan ang mga TELCO para hindi makapagpadala ng text alert sa Metro Manila dahil hindi naman dito nawalan ng cellphone signal.Pwede lamang itong maging excuse sa mga lugar na derektang tinamaan ng bagyo at nawalan ng cellphone signal at kuryente.Batay sa republic 10639, pagbabayarin ng malaking multa ang mga TELCO, maaring makulong ang mga opisyal nito at pwede ring matanggalan ng prangkisa kapag napatunayang nagpabaya.
Mga Telco Na Hindi Nagpadala Ng Disaster Alert Message Noong Nagdaang Bagyong Karen At Lawin, Ipapatawag Ng Senado
Facebook Comments