Iginiit ni Sen. Grace Poe sa mga kompanya ng telekomunikasyon na patuloy na madaliin ang konstruksiyon ng mga cell tower at paglalagay ng mga fiber optic cable.
Walang nakikitang dahilan si Poe para hindi ito magawa agad lalo na’t pinaikli na ang proseso ng pagkuha ng mga kinakailangang government permit.
Pinaalala ni Poe na sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act ay pinabilis ang proseso ng pagkuha ng mga government permit sa pagtatayo ng mga imprastraktura ng internet mula sa dating isang taon na ngayon ay pitong araw na lamang.
Diin ni Poe, dapat agad makamit ang target ng bansa na makapagpatayo ng 50,000 na mga cell tower mula sa kasalukuyang 20,000 cell tower para mapalawak ang internet coverage.
Hiling ni Poe, higitan ang pagtutulungan upang mabigyan ng konektibidad ang lahat ng tahanan sa Pilipinas na umaasa rito para maitawid ang kanilang pamilya sa gitna ng pandemya.