Mga telcos na hindi nagpadala ng free mobile alerts sa panahon ng kalamidad – binatikos

Manila, Philippines – Kinalampag ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang mga Telecommunication Companies o Telcos sa hindi pagtupad sa Free Mobile Alerts tuwing may kalamidad.

Ayon kay Zarate, marami siyang napagtanungan sa Bicol at sa ilang bahagi ng Maynila na walang natanggap na alert sa Bagyong Salome.

Pinuna ni Zarate na kapag mga promo ng mga telcos ay madalas ang mga pinapadalang text alert pero kapag sa kalamidad ay wala masyadong natatanggap ang karamihan sa mga tao.


Dahil dito, hinikayat ng kongresista na imbestigahan na ng Kamara ang hindi pagsunod ng mga Telcos sa pagpapadala ng text alerts.

Sa pagbabalik ng sesyon sa Kamara sa Nobyembre 20 ay agad na ipinatatakda ang pagdinig sa House Resolution 556 para siyasatin ang implementasyon sa Free Mobile Disaster Alerts Act.

Facebook Comments