Mga telcos, pinakiusapan na magbawas ng singil sa kanilang serbisyo

93

Nanawagan si Cagayan De Oro Representative Rufus Rodriguez sa dalawang telecommunication giants na PLDT-Smart at Globe Telecom na bawasan ang kanilang singil sa mga serbisyo.

Ayon kay Rodriguez, marami na ngayon ang “Work from Home” na lamang simula nang ipatupad ang social distancing bunsod na rin ng Enhanced Community Quarantine sa Luzon.


Tiyak aniya na malakas ngayon ang pagkunsumo ng mga subscribers’ ng tawag at paggamit ng internet o online platforms para magawa ang mga trabaho habang nasa kanilang mga tahanan.

Giit ni Rodriguez, magbawas na ng singil sa tawag, texts at data o broadband Internet ang PLDT-Smart at Globe Telecom bilang bahagi ng kanilang corporate social responsibilities sa gitna na rin ng kinakaharap na Public Health Emergency dahil sa COVID-19.

Hinimok ng mambabatas na ang rate reduction sa singil ng mga Telcos ay dapat tumagal ng 30 araw.

Facebook Comments