Manila, Philippines – Binigyan nalamang ng Department of Information and Communication Technology ng hanggang Setyembre ang mga telecommunication companies para pagandahin ang kanilang internet services.
Sa briefing ni Information Communication Secretary Rodolfo Salalima sa Malacañang ay sinabi nito na bubuksan na ng pamahalaan sa international competitors ang telecommunication para mas mapalakas pa ang internet services para sa mga Pinoy.
Pero sinabi din naman ni Salalima na nangako sa kanya ang mga telcos na pagagandahin ang kanilang serbisyo.
Babala ni Salalima sa dalawang telcos, hindi magdadalawang isip ang gobyerno na papasukin na sa bansa ang internet operators na may malaking partner sa abroad, kung mabibigo sa kanilang pangako na makapagbigay ng mas mahusay at mas mabilis na internet sa kanilang subscribers.
DZXL558