Manila, Philippines – Nakatakdang inspeksyunin ng LTFRB ang mga terminal ng bus kaugnay sa nalalapit na paggunita ng Undas.
Ayon kay LTFRB, spokesperson Atty. Aileen Lizada, gagawin ang hakbang upang matiyak na ligtas sakyan ang mga bus na bibiyahe patungo sa mga lalawigan.
Sinabi pa ni Lizada, kailangan maayos ang gulong ng mga bus, signal lights, seatbelts, fire extinguishers at may balidong dokumento.
Kasama rin anya sa iinspeksyunin ang loob at labas ng mga terminal.
Ang mga palikuran, at waiting areas na dapat anya ay mayroong upuang may backrest, maayos na bentilasyon at accessible sa persons with disabilities.
Bukod dito, maglalalagay din anya ang LTFRB ng mga help desk at security personel sa mga bus terminal.
Dagdag din na enforcers sa mga bus terminal sa Pasay City, Cubao sa QC at Sampaloc Maynila.
Babala ng opisyal, papatawan ng show cause order ang management ng mga bus company kung hindi makakasunod ang mga ito sa panuntunan ng LTFRB.