Mga Terminal Ng Bus, Ininspeksyon Ng Inter-Agency Council Bilang Paghahanda Sa Undas

29

MANILA – Ininspeksyon ng mga tauhan ng inter-agency council on traffic ang mga terminal ng bus bilang paghahanda sa paggunita ng undas.Nagtungo ang mga tauhan ng LTFRB, HPG, MMDA at LTO sa Araneta Center Bus Terminal para alamin kung nakasusunod pa roadworthiness requirements at safety precautions ang mga pampasaherong bus.Sa pag-iinspeksyon, dalawang bus ng DLTB ang natuklasan na walang permenteng route markings na nakapinta sa bus.Pinayagan naman na makabiyahe ang bus pero ang driver at operator ng nasabing bus company ay inisyuhan ng report summons at inatasan na maglagay ng karampatang markings sa loob ng 72-oras.Isang kundoktor din ang hindi pinayagang makasama sa bihaye dahil sa kawalan ng lisensya habang isa bus ang hindi nakaalis papunta sanang Abra dahil sa kulang-kulang ang screw ng dalawang gulong nito.

Facebook Comments