MGA TERMINAL NG BUS SA LUNGSOD NG DAGUPAN, DINAGSA NG MGA PASAHERONG PAUWI AT PABALIK NA SA KANI-KANILANG MGA DESTINASYON MATAPOS ANG HOLIDAY SEASON

Dinagsa na naman ang mga bus terminal sa lungsod ng Dagupan ng mga biyaherong papunta at pabalik sa kani-kanilang mga destinasyon matapos gunitain ang holiday season.
Ikalawang araw palang ng bagong taon ay nagsisibalikan na ang mga biyaherong umuwi sa kani-kanilang mga pamilya at kabahayan sa probinsya ng Pangasinan at sa lungsod.
Sa naging panayam ng iFM Dagupan sa Dispatcher ng isang Bus Company sa lungsod na si Eugenio Orpilla ay kahapon, Enero a dos ng alas otso ng umaga nang magsimulang dumagsa ang mga pasaherong pabalik sa kani-kanilang mga destinasyon matapos isilebra ang holiday season ngayong taon.

Aniya, sobrang dami umano ng volume ng pasahero na dumagsa ay hindi na inoobliga ang mga ito na bumili ng ticket dahil para hindi na sila maabala at maghintay ng napakatagal sa pila kung saan kailangan lamang nilang pumila ng maayos para makasakay ng bus at sa konduktor ng bus nalang sila bibili at magbabayad ng ticket kapag nakasakay na.
Dagdag pa rito, wala naman daw masyadong problema sa dami at haba ng pila ng pasahero basta kooperasyon lang ng bawat pasahero ang ibigay ng mga ito.
Tiniyak naman ng pamunuan na nasa maayos na kondisyon ang mga bus na bumabiyahe maging ang mga driver at konduktor na may sapat na tulog at pahinga ang mga ito para sa kaligtasan ng bawat pasahero.
Wala naman daw paggalaw sa pamasahe kung saan nanatiling nasa minimum fare lamang ito na itinalaga ng LTFRB.
Nakiusap ang pamunuan ng mga terminal sa mga biyahero na pahabain ang pasensya sakaling matagal na sa pila dahil ginagawa nila ang lahat para makasakay at mabigyan ng maayos na serbisyo ang lahat ng pasahero. |ifmnews
Facebook Comments