Mga terminal ng bus sa Metro Manila – inispeksyon ng LTFRB; DOTR – tiniyak naman na walang pagtaas sa bayad sa tolls sa mga expressway sa Semana Santa

Manila, Philippines – Inispeksyon ng Land Transportation Franchising and
Regulatory Board ang mga bus terminal Metro Manila.

Ito ay bilang paghahanda para sa dagsa ng tao na luluwas sa probinsya sa
nalalapit na holy week.

Sa kanilang pag-iinspeksyon, napansin ng LTFRB ang kakulangan sa
ventilation sa bus terminal ng Jam Liner sa Cubao, Quezon City.


Sa DLTB bus terminal naman sa Kamuning, Quezon City, nakita ng LTFRB
personnel na walang kakayahan ang lugar na ipatupad ang nose-in nose-out
policy para sa mga bus.

Sa ilalim ng naturang polisiya, hindi maaaring paatras pumasok o lumabas ng
terminal ang mga bus sa kahabaan ng EDSA.

Aabot sa 1,053 special permits ang inaprubahan ng LTFRB ngayong holy week.

Pagtataya ng LTFRB, posibleng umabot sa 232,000 na mga pasahero ang sasakay
ng bus pauwi sa probinsya at pabalik ng Manila ngayong Semana Santa.

Sa kaugnay na balita, tiniyak naman ng pamunuan ng Department of
Transportation na walang pagtataas sa bayad sa toll sa mga expressway
ngayong Semana Santa.

Facebook Comments