Pinapaalalahanan ng mga pamunuan ng pampasaherong bus sa lungsod ng Pasay ang mga indibidwal na babiyahe ngayong araw ng kapaskuhan na huwag masiyadong magbitbit ng malalaking bagahe.
Partikular na pinapaalalahanan ang mga pasaherong hindi naman bababa ng terminal ng mga probinsiya na kanilang pupuntahan.
Nabatid na bagamat may dagdag singil sa pasahe dahil sa mga malalaking bagaheng bitbit, magiging sagabal kasi sa daloy ng trapiko kung bababa sila sa gitna ng biyahe malapit sa mga bayan ng bawat probinsiya.
Bukod dito, muli nilang ipinapaalala na ipinagbabawal ang pagbitbit sa biyahe ng anumang uri ng hayop.
Ang mga nagpa-book naman ng kanilamg biyahe ay kinakailagan makapunta sa takdang oras upang hindi masayang ang slot ng upuan na para sa kanila.
Maigi rin na magdala ng sariling alcohol, magsuot ng face mask at pairalin anumang oras ang physical distancing upang makaiwas sa hawaan ng COVID-19.