Mga terorista, posibleng gawing hide-out ang Metro Manila

Manila, Philippines – Nababahala si House Committee on Metro Manila Development Chairman Winston Castelo na maging “hide-out” ng mga kalaban ng gobyerno ang Metro Manila.

Ayon kay Castelo, dahil sa dami ng populasyon at sa siksikang sitwasyon sa Metro Manila ay hindi malabong may ilang lider ng mga rebelde o teroristang grupo ang magtago at humalo sa mga residente sa NCR.

Dahil dito, hinimok ni Castelo na bumuo ng community intelligence ang bawat lungsod sa Metro Manila para labanan ang terorismo.


Kung magkakaroon ng community intelligence sa bawat barangay, subdivision at village sa Metro Manila ay makakatulong ito para matiktikan ang mga nagtatagong terorista.

Sa ganitong ring paraan ay mapipigilan ang anumang balak ng mga terositang grupo gaya ng Maute, Abu Sayyaf at iba pang local terrorist group sa pagpapatuloy ng kanilang operasyon.

Ipinapapaskil ni Castelo ang mga larawan at impormasyon ng mga terorista upang ma-familiarize ang mga residente at agad na maisumbong sa community intelligence.
DZXL558

Facebook Comments