Mga terorista sa Marawi, hinikayat ng AFP na sumuko na lamang

Marawi City, Philippines – Do or die.

Ito ang naging mensahe ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Eduardo Año sa mga natitirang terorista habang ikinakasa ng militar ang final push sa nagaganap na giyera sa Marawi City.

Ayon kay Año, may opsyon naman ang mga terorista na sumuko na lamang kung nais ng mga ito na manatiling buhay.


Pursigido aniya ang militar na tapusin na ang giyera sa Marawi para masimulan ang rekonstraksyon sa lungsod.

Siniguro naman ni Año, hindi na aabutin ang giyera sa Marawi sa nakatakda niyang pagreretiro sa serbisyo sa buwan ng Oktubre.

Aminado rin si Año na naging leksyon sa kanilang hanay ang giyera sa Marawi City para palakasin pa ang ugnayan ng militar, lokal na pamahalaan, at ng mga sibilyan.

Facebook Comments