Mga terorista sa Mindanao, susubukang maubos bago matapos ang Martial Law

Manila, Philippines – Inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pipilitin nilang sugpuin ang terorismo sa buong Mindanao bago pa man mapaso ang Martial law sa Mindanao na matatapos sa pagtatapos ng taon.

Sa Mindanao Hour sa Malacanang ay tiniyak ni AFP Spokesman Major General Restituto Padilla na patuloy ang kanilang ginagawang operasyon para ubusin ang iba pang natitirang treat groups hindi lang sa Marawi City kundi sa iba pang bahagi ng Mindanao.

Kabilang aniya dito ang sympathizers ng ISIS at Maute Group na nasa Basilan, Sulu at Maguindanao.


Ipialiwanag din naman ni Padilla na ang ugat ng gulo sa Marawi City ay ang terrorism pero sa kalagitnaan aniya ng bakbakan sa lungsod ay lumutang ang naro terrorism matapos madiskubre ang koneksyon ng mga drug lords sa mga terorista.

Matatandaan na mismong si Pangulong Duterte ang nagsabi na drug money ang nagpopondo sa terorismo sa Marawi City.

Facebook Comments